Babae Napilitang Magpakalalaki Dahil sa Steroids!

Grabe na ‘to!

Ang German shot puttter na si Andreas Krieger ay naging biktima ng pagkalito sa kasariang gusto niya. Ipinanganak na babae, noong kanyang early teens ay naging miyembro siya ng East German athletics team. Mula noon ay palihim siyang binibigyan ng anabolic steroids nang wala siyang kaalam-alam. Dahil dito nagi­ging mukha na siyang lalaki sa panlabas na anyo maging sa kanyang attitude.

Nagretiro si Andreas sa sport noong 1990 at sumailalim sa sex reassignment surgery taong 1997. Pero isinapubliko niya na sana raw ay hindi siya pinaiinom noong kanyang kabataan ng steroids para nalaman niya sa kanyang sarili kung ano talaga ang gender preference niya. Naniniwala siyang kung hindi kasi dahil sa steroids ay hindi niya maiisip na maging isang trans man.

Hindi na bago ang ginagawang pang-aabuso sa mga atleta tulad ng nangyari kay Andreas kaya hiling ng marami na matigil na ito.

Show comments