Lolo May 3-M Koleksyon ng Vinyl Records

Grabe na’to!

Isang senior citizen at mayamang businessman sa Brazil ang inialay na ang buong buhay sa pango­ngolekta ng milyun-milyong vinyl records. Ilang taon nang nag-iikot sa buong mundo si Zero Freitas para bumili ng mga record sa mga prominenteng collectors kabilang na ang dating music store owner na si Paul Mawhinney. Nabili niya ang 3 million LPs nito noong 2008.

May sarili na ngayong grupo si Zero na nagkalat sa New York, Mexico City, South Africa, Nigeria, at Cairo na nakikipag-usap at nakikipag-deal sa iba’t ibang nagbebenta ng vinyl records. Libu-libo ang nabibili ng mga ito buwan-buwan na ipinadadala sa Brazil.

Alam ni Zero na ang koleksyon ay walang kuwenta kung hindi ito magagamit ng mga tao kaya ngayon ay sinisimulan na niya ang pagtatayo ng Emporium Musical, isang non-profit organization kung saan magsisilbi itong music library. Gusto rin niyang gawing digital ang kanyang mga koleksyon.

Show comments