Beauty Tips Mula sa Supermodels

Hinahangaan natin ang ganda ng mga modelo na lagi nating nakikita sa billboard at magazines.

Inaakala natin na may kakaiba silang ginagawang ritwal para mas gumanda at kuminis ang kanilang balat.

Pero alam n’yo ba na tulad ng ibang ordinar­yong babae, gumagamit din sila ng mumurahing produkto at simpleng skincare product?

Heto ang beauty secrets mula sa mga sikat na model sa buong mundo:

Ayon sa Victoria Secret model na si Gigi Hadid, tinuruan siyang gumamit ng kanyang ina ng toothpaste upang matuyo ang kanyang pimples. Ina-apply niya ito bago matulog.

Pinayuhan din niya ang mga kababaihan na kumain ng masustansiya at mag-exercise.

Coconut oil naman ang ginagamit ng supermodel na si Karolina Kurková na pantanggal ng make up dahil hindi ito nakakatuyo ng balat.

Tulad din ng normal na tao, lagi rin tini-tagihawat si Adriana Lima. Tea tree oil ang pinapahid niya rito dalawang beses sa isang araw.

 

 

 

Show comments