Saging pamalit sa itlog!

Burp Tips

Hindi mawawala ang itlog sa mga panguna­hing sangkap sa pagbi-bake. Ito kasi ang nagsisilbing “pang-bind” ng mga tuyong sangkap. Maliban sa hindi mas­yadong nakakaapekto sa lasa ng ibi-bake ang itlog, maaari ring hindi gumamit nito kung bigla kang naubusan nito sa kusina. Imbes na mangapitbahay ka at manghiram ng itlog (na nakakahiya), ay may puwedeng pamalit dito.

Gumamit lang ng kalahating hinog na saging kapalit ng bawat isang itlog na kinakailangan sa inyong recipe. Magugulat kayo sa resulta na epektibo ang saging pamalit ng itlog. Bongga ‘di ba?

Bukod pa riyan, maaari rin itong subukan ng mga vegan o kahit ng mga nagsisimulang maging vegetarian. Mai-enjoy n’yo na ang mga paborito n’yong pastries na walang itlog. Burp!

Para sa mga katanu­ngan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pag­luluto, maaaring mag-e­­-mail sa burpnikoko@gmail.com

Show comments