Pekas

1. Pahiran ng lemon juice ang apektadong bahagi ng katawan at marahang masahihin. Iwan ito ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Ulitin ang proseso dalawang beses sa isang araw.

2. Hugasan ng sour milk ang apektadong parte ng katawan araw-araw. Kung walang sour milk ay maaaring gumamit ng yogurt.

3. Maghalo ng honey at yogurt at ipahid ito sa pekas. Iwan ito ng 30 minuto bago banlawan. Gawin ito hanggang makamtan ang nais na resulta.

4. Pahiran ng papaya juice ang pekas gamit ang cotton ball at masahihin. Iwan ng 10 minuto bago banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito araw-araw.

5. Hiwain ng maninipis ang isang pulang sibuyas. Ikuskos ito sa pekas dalawang beses kada araw.

6. Pahiran ng buttermilk ang pekas at iwan ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.

7. Pahiran ng katas ng labanos ang pekas at iwan ng 10 minuto.

Show comments