Nagdurug-durog ang tren!

Panaginip: Bumangga ang malaking trak sa tren. Nasaksihan ko ang banggaan in slow motion. Nagkadurug-durog ang trak at tren. May nakita akong mga kuting na naglalakad sa riles ng tren. Dinampot ko isa-isa ang mga cute na kuting. Nag-alala akong baka tamaan sila ng mga nagtatalsikang bakal mula sa sumabog na tren at trak. - Erlinda

Interpretation: Ang tren ay nire-represent ng ma­laking organization, halimbawa, isang kompanya. Ang pag-crash nito ay problema: pagkalugi o pagbabawas ng mga empleyado. Ang kuting ay mga bata. May darating sa iyong problema tungkol sa trabaho at ang unang maaapektuhan dito ay mga batang kinakalinga mo—anak or kung single ka ay mga batang malapit sa iyong puso.

Show comments