Higanteng aso ginawang gwardya ng mga preso

Gumagamit ang ilang kulungan sa Russia ng Caucasian Mountain Sheperd, isang uri ng mala­king aso, bilang gwardiya. Umaabot ang bigat nila ng 200lbs at may laki ng hanggang 6ft.

Taliwas sa ating  paniniwala, hindi totoong bu­lag ang mga paniki. Nagpapanggap lang silang bulag para makapaninlang.

Kayang pigilin ng alakdan ang kanilang hininga ng anim na araw.

Naha-high ang mga jaguar dahil sa pagkain ng mga hallucinogenic roots. Isa rin ito sa dahilan kung bakit mas sumisipag at matalas ang kanilang pang-amoy sa kanilang mga target na kakainin.

Two feet ang haba ng dila ng mga anteater. Malagkit din ito kaya dumidikit ang mga langgam sa kanilang dila.

Rinig ang “roar” ng isang lion sa limang mil­yang layo.

Ayon sa ilang pag-aaral,  mas maraming gatas ang mailalabas ng mga baka ‘pag nakakarinig sila ng musika.

Sampung bumbilya ang kayang pailawin ng kuryente ng electric eel.

Mabubuhay ng dalawang taon ang tarantula nang hindi kumakain.

Mas mabigat pa ang dila ng blue whale kesa sa isang elepante.

Show comments