^

Para Malibang

House of Death (77)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

TAKOT NA TAKOT na sina Mario at Anna sa pagkamatay ni hepe.

“Ano’ng gagawin natin ngayon, Mario? Sa atin na naman ibibintang ito.”

“Naaawa ako kay Hepe. Hindi ako natatakot na tayo ang mapagbibintangan, Anna. Dahil kita naman nilang nasunog si Hepe. Alam nating hindi dahil sa apoy. Kundi sa kidlat.”

“Kaya huwag na kayong magdala ng kahit sino rito para kumampi sa inyo. Dahil tingnan ninyo ang nangyari, namamatay sila!”

“At dahil sa imaheng sinasamba ninyo!” Sigaw ni Anna.

“Ganoon nga siguro.” Mayabang na sagot ni Azon.

“Pinakikialaman n’yo kasi ang buhay naming kaya hayan ang napala ninyo.” Matapang na dugtong ni Temyong.

“May mga kinuha kayo. Pag-aari ng mga magulang ni Benilda. Inilibing ninyo diyan kaya kailangang mahukay..”

Ngumisi si Temyong. “O de sige, hukayin ninyo. Hindi namin sagot ano man ang mangyari sa inyo. HARRR HARRR HARRR!”

Kinilabutan sina Mario at Anna sa tawa ni Temyong.

“Nasaan na ang mga kaluluwa ninyo? Wala na ba talaga diyan sa inyong mga katawan?”

Sabay-sabsay lang na ngumisi ang buong pamilya.

“Nagsisisi ako kung bakit dinala ko pa kayo dito. Ang gusto ko lang naman ay makatulong sa inyo. Pero ngayon, ang kawawa ay ang kaluluwa ni Benilda. Na nahihirapan dahil sa inyong pang-aabuso. Kumampi pa talaga kayo sa mga masasamang kaluluwa dito. Palibhasa pareho kayo ng intensiyon, masama!” Luhaang sumbat ni Anna.

“Bahala na kung ano ang mangyari sa akin. Kaila­ngang mahukay ko ‘yan para malaman ko kung nandidiyan nga ang mga bagay na mahalaga kay Benilda.” Determinado na si Mario.

Pero pinigil siya ni Anna. “Huwag muna, Mario. May oras para sa lahat. Tingnan mo ang bangkay ni Hepe, pababayaan na lamang ba muna natin siya. Gawin natin ang mga dapat. Ipaalam na natin ito sa kanyang pamilya, sa presinto.”

Napabuntong-hininga si Mario. Tama nga naman ang kanyang asawa.

LALO pang lumaki ang problema nina Mario at Anna. Imbistigasyon na naman. At sa pagkakataong ito, galit na galit  ang pamilya ni Hepe. Pero kung sino pa ang mga walang kasalanan, sila ang nadidiin.

 ITUTULOY                                                           

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with