Stalker na Ex Boyfriend

Dear Vanezza,

Nagpalit na ako ng account ko sa Facebook pero nahanap pa rin ako ng dati kong nobyo.  Lumalabas sa notification ko na lagi niya sinisilip ang account ko. Five years na kaming hindi nagkikita, pero nabuhay na naman ang pag-stalk niya sa akin. Hindi pa nasiyahan ngayon ay panay ang message sa messenger ko. Naiinis ako kasi ayaw ko na siyang kausap, pero nagpapapogi pa rin. Hindi ko nga ini-accept ang request niya na i-friend ko siya. Ano ba ang gagawin ko? -Sheila

Dear Sheila,

Kung ayaw mo sa kanya ay wala naman siyang magagawa, tutal naman sa FB lang siya nag-i-stalk. Pwede naman baguhin mo ang setting mo para yung friend mo lang ang makakita ng iyong account. Pinakamaganda ay sabihin mo sa kanya na wala ka nang balak na balikan siya. Para tumigil na rin siya ng kaka-follow niya sa iyo.

Sumasaiyo

Vanezza

Show comments