Alam n’yo ba?

Ang buong pangalan ni Jose Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda na ipinanganak  noon bago maghating gabi ng Miyerkules, Hunyo 19, 1861. Ang totoong apelyido ng mga Rizal ay Mercado na ang ibig sabihin ay palengke o pamilihan. Ang pangalang ito ang ginagamit ng ninuno nilang si Domingo Lam-co. Nang inutos na palitan ang mga apelyido ng Pilipino, hindi nagustuhan ng tatay ni Jose ang mga pangalang Kastila kaya mina­buti niyang gamitin ang sariling apelyidong Rizal. Ang Rizal ay nanggaling sa salitang Kastila “racial” na ang ibig sabihin ay “luntiang hardin”.

Show comments