Misis Naghahanap ng Foreigner na Dyowa

Dear Vanezza,

Nahuli ni mama si papa na may ibang ka-text at ka-I love you. Nag-away sila at pinalayas niya si papa sa bahay. Halos isang taon na silang magkahiwalay. Nami-miss ko na si papa. Hindi namin alam kung nasaan siya. Alam kong nami-miss din ni mama si papa, pero wala siyang balak na patawarin ito. Napansin ko lang kay mama na nagbago na siya. Pagkatapos nilang maghiwalay ni papa. Inuudyukan siya ng mga friends niya na magpaganda at maghanap ng ibang dyowa. So si mama nagpa-rebond ng buhok at panay ang exercise at zumba. Ayun seksi na si mama. Ang kaso busy na si mama sa kaka-chat para maghanap ng foreigner na mapapangasawa. Lahat  kasi ng friends niya may asawang foreigner na kinaiingitan ni mama. Ganito na lang ba ang pamilyang Pinoy na hindi na mahalaga ang buhay mag-asawa? Sunshine

Dear Sunshine,

Baka sakaling magbago kung kakausapin mo ang mama mo na patawarin ang tatay mo. Baka siya mismo ay alam kung saan makikita ang papa mo, para mabuo muli ang inyong pamilya. Nakalulungkot ang kuwento mo, pero puwede mong paliwanagan ang mama  mo para maisalba pa ang inyong pamilya, kaysa gumaya siya sa kanyang mga kaibigan. Gawin mo ito habang wala pa siyang nakikitang foreigner na maging boyfriend.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments