Pagod na sa LDR

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Alma. Ako po ay nasa isang long distance relationship. Two years na po kami ng boyfriend ko. Nangako naman siya sa akin na kami pa rin, pero nag-aalala pa rin ako kasi alam ko madaming magaganda sa Amerika. Hindi namin alam kung gaano katagal siya roon, pero palagi pa rin po kaming nag-uusap sa chat. Ang problema, napapagod na ako sa ganitong klase ng relasyon. Mahal ko siya pero hindi ko maiwasang isipin kung hanggang kailan ang ganitong set-up ng relasyon, dahil siya mismo hindi alam kung kailan siya babalik. Hirap na hirap na po talaga ako. Anong gagawin ko?

Dear Alma,

Mahirap talaga magkalayo at hindi maiwasang hanapin mo ang presensiya ng iyong minamahal. Pero kung napapagod ka na sa relasyon, kausapin mo siya. Ipaalam mo sa kanya ang nararamdaman mo. Kayo ang magdedesisyon kung ipagpapatuloy pa ito o hindi na. Tanging kayo lamang ang nakakaalam kung ano ang makabubuti sa inyo. Ang mahalaga, huwag ninyong puputulin ang inyong komunikasyon. Huwag kang pabigla-bigla at palagi mong iisipin ang maganda ninyong pinagsamahan.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments