Panaginip: Nasa lamay ako ng isang batang namatay. Kamag-anak ko siya sa panaginip. Ang ina ng bata ay nasa tabi ng kabaong at walang tigil na nagpapatunog ng bell. Ginagawa raw iyon para siguradong mapapunta sa langit ang batang namatay. - Lally
Interpretation: Ang pakikipaglamay sa batang namatay ay pahiwatig na mabibigo ka sa isang bagay na akala mo’y magtatagumpay ka. Ang pagpapatunog ng bell ay nagsasaad na isang malayong kamag-anak ang mamamatay o kaya ay makakatanggap ka ng balitang ikagagalit mo.