Signs na fake ang manghuhula

Ito ay tumutukoy sa mga Palmist o nagbabasa ng guhit ng iyong palad :

1—Walang masabing tama tungkol sa iyong ugali at mga past events ng iyong buhay. Pulos future lang ang sinasabi dahil mas “safe” ito. Sino ang makapagsasabi na magkakatotoo ito o hindi.

2—Nakakalula ang kanyang mga hula sa iyo kagaya ng tatama ng jackpot sa lotto o magiging presidente ng kompanyang pinaglilingkuran.

3—Ang agimat o lucky charm na sinasabi ­niyang magbibigay ng good luck sa iyo ay sa kanya lang mabibili.

4—Tatakutin ka na makararanas ng masamang kapalaran. Kasunod noon ay magsa-suggest ng ritwal para makontra ang darating na bad luck. Hihingi ng bayad para sa gagawing ritwal o may kailangan kang bilhin na sa kanya lang available.

Show comments