Pagbubuhat ng sariling bangko

Lahat ay dumaraan sa panahon na pinapahirapan natin ang ating sarili. Yung tipong ki­na­iinisan ang sarili,  bi­nababa ang sarili, at walang bilib o tiwala sa sariling kakayahan.

Pero may paraan para maiwasan ang lumalang negatibong tingin sa iyong sarili.

Huminga ng mala­lim at subukan na ma­lampasan ang pagmamaliit sa sarili at pagkakaroon ng self-doubt.

Madali ngang ma­ging “mean” sa ating sarili. Pero hindi rin masama kung gawin ang simpleng self-praise. Kung nagagawa mong bigyan ng magandang papuri ang ibang kaibigan at bestfriend, bakit hindi rin ito sabihin mismo sa sarili mo.

Oo naman dahil  kahit anong mangyari may karapatan pansinin ang mga bagay na ginawa at natapos mong tama. Dahil kailangan din ibalanse ang negatibong pag-iisip ng positibong pananaw.

Laging magpokus sa mga positive praise sa halip na pintasan ang sarili at kapalpakan mo sa buhay. Tawanan lang ang pagkakamali hanggang magkaroon ng maganda at positibong tingin sa iyong sarili. Para mas madali at magaan rin harapin ang buhay.

Show comments