1. Ibabad ng 15-20 minutos ang paa na may ingrown nails tatlo hanggang apat na beses sa isang araw. Makatutulong itong maibsan ang pamamaga.
2. Maglagay ng malinis na bulak o waxed dental floss sa ilalim ng ingrown toenail. Makatutulong naman ito para tumubo ang kuko sa ibabaw ng balat para hindi ito pumasok sa laman.
3. Maglagay ng antibiotic ointment sa namamagang parte at lagyan ng bandage ang daliri ng paa.
4. ‘Wag magsusuot ng sapatos. Maaari namang magsuot ng sandals basta’t nakalabas ang inyong daliri sa paa.
5. Uminom ng over-the-counter pain reliever tulad ng acetaminophen (Tylenol), ibuprofen (Advil, Mortin UB) at naproxen sodium (Aleve). Makatutulong ito na maibsan ang pananakit.
6. Maglagay ng Vicks VapoRub sa ingrown toenails. Makatutulong ito na maibsan ang pananakit at mabilis na paggaling ng sugat.
7. Maghiwa ng manipis na lemon at i-bandage sa daliri ng paa na may ingrown na kuko. Iwan ito magdamag. Ang acidity ng lemon ay makatutulong sa pagpapagaling ng impeksyon.