Grabe na ‘to! Maaari palang pagkakitaan ang suka “vomit” ng balyena? At sumusuka pala ang balyena.
Ang mag-asawa kasing Gary at Angela Williams ng Overton, Lancashire ay nakikipagnegosasyon ngayon sa potential buyers matapos nilang makapulot ng piraso ng ambergris habang naglalakad sa tabing dagat.
Ang ambergris na siya ngang whale vomit ay karaniwang ginagamit ng mga gumagawa ng perfume para tumagal ang amoy ng kanilang scents. At dahil bibihira ito, malaking halaga ang kapalit nito. Ang 1.57 kg na napulot ng mag-asawa ay nagkakahala ng $70,000. Malaking halaga talaga ito para lang sa isang napulot na bagay sa beach.
Ang ambergris ay inilalabas sa bile duct at bituka ng sperm whales. Sinasabing inilalabas ito para matanggal ang bara na mula sa nakain ng balyena.
At dahil nga ito ay isang suka, hindi maganda ang amoy na inilalabs nito. Sabi ni Gary Williams may kakaiba itong amoy na, “like a cross between squid and farmyard manure.”