Pango Ka Ba?

Ang ilong ang isa sa pinakakapansin-pansing parte ng ating mukha. Mayroong itong iba’t ibang hitsura depende kung anong lahi ang iyong kinabibilangan.

Isa sa palantandaan na ikaw ay purong Pinoy kung ikaw ay pango, pero alam niyo bang marami ang ikinahihiya ang kanilang mga pangong ilong? Para kasi sa kanila, pangit ito at mukhang lokal. Sa atin kasing mga Pinoy, matangos na ilong ang basehan ng pagiging maganda.

Napakarami pa ngang nagpapa-nose lift o iyong pagpapaopera (meron ding non-surgical) para mapatangos ang ilong. Pero alam niyo bang kering-keri niyo nang patangusin ang ilong na hindi sumasailalim sa sankatutak na ineksiyon? Ito ay sa tulong ng make-up.

“Nose line” ang tawag doon na napaka­dali lang matutunan, maglalagay ka lamang ng kaunting dark eyeshadow sa gilid ng ilong at saka ito ibi-blend.

Tadaaah! Instant matangos na agad ang iyong ilong na ready na para sa selfie.

Show comments