120-year-old na Wedding Gown Isinuot sa Kasal!
(Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

Grabe na ‘to! Kung ang ibang bride ay ayaw magsuot ng vintage wedding gowns ng kanilang ina sa araw ng kanilang kasal, ibahin ninyo si Abigail Kingston ng Bethlehem, Pennsylvania. Nang ikasal siya noong October 17, 2015 isinuot niya ang 120-year-old wedding gown na unang isinuot ng kanyang great-great-grandmother. Bale panlabing-isa na siya sa mga nagsuot nito sa kanilang pamilya.

Unang ginamit ang vintage wedding gown ni Mary Lowry Warren noong December 11, 1895 at huling naisuot noong 1991. Pagkatapos itong gamitin ay itinago ito ng ina ng last bride. Isang beses lang na-dry clean ang gown kaya naman katakut-takot na damage ang nangyari sa wedding gown.

Nang malaman ni Abigail ang history ng wedding gown, nagdesisyon siyang ito rin ang gamitin sa kanyang kasal. Pero hindi naging madali ang lahat dahil masyado nang delicate ang gown kaya kinailangan itong ayusin. Matapos ang pagtatapal sa mga butas at pag-ayos ng mga lace na tumagal ng 200 oras, naibalik din sa da­ting ganda ang vintage wedding gown.

“It’s not just the dress that’s been handed down,” ayon sa ina ni Abigail. “It’s the love.”

Balak din ni Abigail na ipasa ang “tradisyon” sa kanyang anak kapag ikinasal ito.

ABIGAIL KINGSTON ACIRC ANG BALAK GOWN ISANG MARY LOWRY WARREN MATAPOS NANG PAGKATAPOS PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with