Sekreto sa Pagpapaganda

1-White eyeliner ang ilagay sa inner corner ng mata, tapos black eyeliner naman sa outer corner. Magmumukhang masigla ang iyong mata at hindi mahahalata ang pagiging haggard.

2-Guhitan ng red lip pencil ang paligid  ng lips bago aplayan ng lipstick. Patungan ng lip gloss para ma-achieve ang plump and pouty lips.

3-Kung pipili ng shade ng foundation at pressed powder, dapat ito ay kasingkulay ng balat mo sa leeg. Kung malayo sa kulay ng leeg, ang magiging epekto ay para kang nakamaskara kapag naka-make up  dahil “hihiwalay” ang kulay ng mukha sa kulay ng leeg. Unang inilalagay ang foundation kaysa concealer.

4-Kung dark circle sa ilalim ng mata ang nais takpan ng concealer, magdrowing ng baliktad na triangle sa ilalim ng mata gamit ang cotton buds na may concealer. Tingnan ang larawan. Gamit ang daliri, spread the concealer hanggang pumantay na ito sa kulay ng foundation. Image: cosmopolitan.com

Show comments