Pera na, naging abo pa!

Panaginip: Maraming papel na nagkalat sa salas ng aking bahay. Winalis ko ang mga papel palabas ng bahay. Nang sinusunog ko na ang papel, saka ko nakita nang maliwanag na pera pala iyon. Napaiyak na lang ako sa panghihinayang. - Ineng

Interpretation: Maraming oportunidad na dumating  sa iyo kung saan may pagkakataon kang kumita ng maraming pera ngunit ito ay pinalampas mo. O, kaya ay may darating sa iyong malaking halaga ng pera ngunit gagastusin mo lang ito sa mga walang kuwentang bagay.

Show comments