Ano ang gagawin mo sakaling may isang buwan ka na lang para mabuhay?

Wow! Isang buwan na lang? Aba nakakataranta naman yan. Magpi-pray, pupunta sa church. Settle ko muna ang sarili ko sa Panginoon, tutal naman sa kanya lang ako haharap. I-share ang Gospel sa pamilya ko. si Hesus lang ang  way papunta ng langit hindi dahil sa mabubuting gawa. Kundi dahil si Jesus namatay para sa atin kasalanan.  Araw-araw kung sasamahan ang magulang at mga anak hanggang sa huling sandali. – Juvy, Quezon City

*Sana mayaman ako. Para ipapamana ko na lahat ng kung anong meron ako sa pamilya ko. Mag-iiwan ako ng pera para sa sponsors ng isang bata hanggang makatapos siya ng pag-aaral. Magbibigay din ako ng offering sa church.  – Michelle, Las Piñas

* Mamamasyal ako sa Boracay at Batanes. Dun kami na mamasyal ng asawa at anak ko. Ibi-video ko ang mga last moment namin. Kakain kami ng masasarap at ipagluluto ko sila ng mga paborito nilang ulam. – Edna, Rizal

Show comments