Kumakain ng ‘Ebs’

Panaginip: Habang concentrated ako sa pa­nonood ng TV ay kumakain ako ng sitsirya. Pero marami na akong nakain nang mapansin kong ebak ang kinakain ko. Nagsisigaw ako sa sobrang kadiri.---Girl3/12/79

Interpretation: Ang ebak ay pera. Ang pagkain mo ng ebak ay nagpapahayag na may matatanggap kang pera. Ginamit mo ang bibig sa pagtanggap ng ebak. Marahil ay mula sa “pagbebenta ng pagkain” ang panggagalingan ng perang matatanggap mo. O, kaya ay magmumula ang pera sa “pagsasa­lita” mo. Halimbawa, sales talk o sa pagbibigay ng lecture (bilang speaker/teacher).

Show comments