Hand Yoga for Brain Power

Ang ating utak ay parang katawan na puwedeng sanayin para mag-perform nang higit pa sa ating inaasahan. Ang tawag sa hand yoga na tutulong upang gu­maling ang memorya, matanggal ang pagiging makakalimutin, guma­ling ang concentration, at maging matalino ay Hakini Mudra.

Gayahin lang ang posing ng kamay sa larawan. Habang naka-Hakini Mudra, idikit mo ang iyong dila sa ngala-ngala. Dahan-dahang mag-inhale at exhale. Gawin ito ng 45 minutes araw-araw o 15 minutes sa umaga, tanghali, at gabi. Puwedeng gawin habang nanonood ng TV. Halimbawa ay may pilit kang inaalala, mag-Hakini Mudra upang maalaala mo kung ano ito.

Show comments