Ang galaw ng kamay

1-Sinungaling at manloloko ang taong nananatiling nakasara ang kamao habang ito’y nakalaylay sa gilid ng kanyang katawan.

2-Ngunit kung ilang daliri lang ang tila la­ging nakasara at hindi ang buong kamao, siya’y maingat at mapagkakatiwalaan.

3-Kung mahigpit ang pagkakasara ng kamao habang nakalaylay ang mga ito, siya’y mahilig makipagbasag-ulo.

4-Ang taong hindi mapakali ang kamay-itataas, maya-maya ay  ibababa; o ‘di kaya ay labas-masok sa bulsa - ay may strong character pero kailangang gabayan dahil wala siyang kontrol sa kanyang emosyon.

5-Ugali mo bang hipuin ang kamay o braso ng iyong kausap habang nagsasalita ka? Kung ganoon, ikaw ay mapaghinala sa kapwa.

6-Ang taong walang tigil sa kalalaro ng isang bagay sa kanyang kamay ay excited sa isang bagay.

7-Mahinahon ang taong mahilig pagdaupin ang kanyang mga palad sa kanyang harapan.

8-Hindi tapat makisama ang taong mahilig magkiskis ng palad na parang naghuhugas ng kamay.

9-Ang taong pinagdadaop ang palad sa kanyang likuran ay sobrang ingat kaya’t nahihirapang bumuo ng isang desisyon.

Show comments