Vitamins na pampagising ng libido

Marami pang suhestiyon ang psychologytoday.com para maikondosyon uli ang ating utak at malabanan ang stress kung nakakaapekto na ito sa iyong sex life.

Una ay I-share ang inyong takot at  desires, Ikalawa ay magkaroon ng Regular na exercise. Narito pa ang mga dapat gawin kung nai-stress.

Uminom ng suppliments na pampalakas at para sa libido. May mga vitamins, mine­rals, at herbs na sinasabing pampataas ng libido, at nakatutulong sa reproductive system para maging maayos ito. Importante ang B-complex vitamins at vitamin E gayundin ang zinc. Sa mga nakaraang pag-aaral, ang amino acids arginine at citrulline na nakapagpapababa ng blood pressure at cholesterol ay nakatutulong din sa erection sa pamamagitan ng pagpo-produce ng nitric oxide na nagpapalakas ng blood flow sa penis.

Gumamit ng Stress Relievers. Mag-meditate, breathing exercises, yoga exercise, yoga laughter, at progressive muscle relaxation para kontrahin ang stress at tension. Sa loob lang ng 10-minutong relaxation ay mag-iiba na ang iyong mindset at libido.

Show comments