Island of the undead (65)

NAGHATSING nga si Miley kaya nabitin ang pagbilang sa huling numero. Ang number 3.

Hinagod agad ni Blizzard ang likod ng kasintahan, hoping bubuti ang pakiramdam nito.

Nakatulong naman, naging maginhawa na ang pakiramdam ng dalagang super-bait.

“I-I’m okay now, Blizzard. Kaso lang ay merong bagong problema.”

Pasimpleng inginuso ni Miley ang isang bantay na Undead.

Masama ang tingin nito sa kanila.

Halatang nagdududa, nagsususpetsa.

Gising na gising ito, di tulad ng iba pang Undead na patuloy na antok na antok. Tumitindi kasi ang alinsangan ng panahon.

“Miley, palapitin mo sa ‘yo ang Undead na ‘yan, saka ko sabay na sisindihan na ang lighter ko...”

Nginitian ni Miley ang guwardiyang Undead, sabay ang senyas na  lumapit ito sa kanya.

Pero umiling ang Undead, halata pa ngang umungol. GROWLL.

Pero hindi ito humadlang sa pagsindi ni Blizzard sa lighter.­SILABBLAAGABLABB!

Tama si Miley, takot na takot sa apoy ang mga Undead!

Kanya-kanyang pulasan ang mga ito, takbo sa iba’t ibang direksyon ng islang isinumpa.

Sinamantala naman iyon nina Miley at Blizzard, nagtatakbo ang magkasintahan sa dagat.

Pero laking gulat nila sa di-inaasahang reaksiyon ng mga tinatakasang Undead!

Akalain ba nilang sa dagat din hahanap ng kaligtasan sa apoy ang mga ito?

At wise na ang mga ito sa mga sandaling iyon.

Pinalibutan ang dalawang tao habang pawang nasa tubig ng dagat.

NAKITA ni Doktor Larry ang nangyayari. Alam na tumakas sa apoy ang mga Undead pati na sina Miley at Blizzard.

Ang detalye ng naganap ay hindi alam ng ekspertong plastic surgeon.

Fascinated siya, labis na nasisiyahan, na ang pinakamamahal na si Doktora Joanne, his wife, ay buhay na buhay na. (ITUTULOY)

Show comments