Inaway ng mga bata

Panaginip: Adult na ako pero sa panaginip ay isang grupo ng mga bata ang aking kaaway. Hinabol nila ako at pinagbabato hanggang sa tamaan ako sa ulo na pumutok at nagdugo. Malabo ang ending dahil nagising na ako. – Juvy

Interpretation: Ang aktong pagbato sa iyo ay nagpapahayag na may nag-aakusa sa iyo. Ang pagdugo ng iyong ulo ay nagpapakita na nasasaktan ka sa mga ibinibintang sa iyo at may epekto ito sa iyong self-esteem. Ang mga batang nambato ay  mga accusers mo na hindi naman ganoon katindi ang “power” para sirain ang buo mong pagkatao.

(Gusto mo bang malaman kung ano ang ibig sabihin ng inyong panaginip? Mag-e-mail sa tanong_sa_pm23@yahoo.com)

 

 

Show comments