Iniwan matapos tikman

Dear Vanezza,

I’m Yazmin, 21. May naging bf po ako. Pagkatapos po na may mangyari sa amin hindi na po siya nagpaparamdam sa akin until now. Mahal na mahal ko po siya. Ask ko lang po kung mahal din kaya niya ako dahil hindi ko po siya makalimutan.

Dear Yazmin,

Kung mahal ka niya, bakit ka niya iniwan? Kalimutan mo na ang bf mo. Huwag mong saya­ngin ang iyong panahon sa kakaisip sa kanya. Bata ka pa at mas dapat mong pag-ukulan ng oras ang iyong pag-aaral na magbibigay sa’yo ng magandang kinabukasan. At sakaling iibig muli, matuto na sa karanasan at maging matalino. Hindi dapat ibinibigay ang sarili sa lalaki dahil ikaw ang luhaan kapag ika’y iniwan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments