Lucky Doormat

Kung bibili ka rin lang doormat, ‘yun nang magbibigay ng magandang suwerte ang bilhin mo.

Kung ang main door ay nakaharap sa South: Gumamit ng green mat para dumami ang pera.

Nakaharap sa West: Gumamit ng red mat or magsabit ng red ornaments sa pintuan upang walang pumasok sa inyong bahay na “kontrabidang” kamag-anak o kakilala.

Northwest: Gumamit ng black mat or black ornaments na pansabit sa pintuan.

Southeast: Gumamit ng white mat o metal windchime na pansabit sa pintuan.

North: Gumamit ng black or blue doormat. Okey din ang metallic colors or white. Iwasan ang red. Ang masamang epekto ng red doormat ay bad health.

East: Gumamit ng green or brown upang umunlad ang pagkatao, career, at good health.

Southwest: Gumamit ng  earth colors.

Northeast: Gumamit earth colors, red, yellow, orange. Ang magandang epekto ay spiritual growth.

 

Show comments