100 Fengshui Cures (13)

61—Negative energy ang umiikot sa toilet kaya pagkakasakit ang epekto kung ang bedroom door at toilet door ay magkatapat. Sakit sa buto or muscle ang magiging sakit ng natutulog doon. Kagipitan sa pera ang isa pang epekto.

62—Iwasan din itapat ang mismong bed sa pintuan. Kung  ano ang parte ng katawan ang nakatapat sa pintuan, iyon ang magkakasakit. Halimbawa, ulo ang nasa tapat ng bedroom door, migraine ang resulta.

63—Minsan naglalagay ng toilet sa loob ng bedroom. Tingnan ang illustration. Cancer ang epekto kung ang bed ay katapat ng toilet door. Kung imposibleng ilipat ang bed dahil sa kakulangan sa space, maglagay ng makapal na kurtina sa toilet door. O, kaya maglagay ng furniture sa pagitan ng bed at toilet door.  Itutuloy

 

Show comments