Sandaang mumunting halimaw (10)

 HABANG si Shirya ay lungkot na lungkot sa pagkamatay ni Eugenio, si Max naman ay parang hinihiwa ng matalas na blade sa katawan.

 Ang isa sa pangkat na pumatay kay Eugenio, si Max,  ay hiyaw nang hiyaw sa tindi ng sakit at kirot.

 “AAAIYIII! AAAYIII! MABABALIW AKO SA SAKIT, ESTER!”

 Taranta si Ester sa pagkontak kina Primo, Brendo at Marko. Pawang busy ang linya ng telepono ng tatlo.

 “Max, hindi pa ako makakontak! Ewan ko kung bakit!”

“Mga putrakla sila! Kailangang-kailangan ko sila ngayon, Ester!”

 Ibinaba muna ni Ester ang landline. Napagod ang mabait na ginang.

KRIIING. KRRIINNG.

Sinagot ni Ester. “Hello?”

“Mareng Ester, si Precy ito, misis ni Brendo. Kailangang-kailangang puntahan dito ni Pareng Max si Brendo ko... “ Halatang umiiyak sa kabilang dulo ng linya si Precy.

 “B-bakit daw, Precy?”

 “Ester, tinubuan ng napakaraming mumun­ting impakto sa katawan si Brendo! Naghihihiyaw siya sa sakit!”

“Haaa? Oh my God, Precy, ganyan din ang nangyayari ngayon kay Max! Kaya nga nais niyang puntahan siya ng barkada!”

“Hu-hu-huu... Ester, ano’ng ating gagawin? Baka pati ako’y kagatin ng mga halimaw!”

“Takot na takot din akong siyasatin man lang ang mga halimaw, Precy. Para silang nagmula sa impiyerno...” Hindi na rin napigil ni Ester ang pagluha.

“Bakit sila nagkaroon ng ganoon? Ano ba ang nagawang kasalanan ni Brendo mo at ni Max ko?”

Nagpapakahinahon si Precy. “Sina Marko at Primo kaya? Palagay mo ba’y tinubuan din sila, Ester?”

 SI PRIMO ay sakay ng Harley, pinahaharurot sa highway ang mamahaling motorcycle. Bubog-bubog ang pawis niya.

 Kita sa mukha ni Primo ang labis na sakit at kirot na nararamdaman nang mga sandaling iyon. Ang pagsigaw ay pinipigil.

“MGA DEMONYO KAYOOO!” Hindi napigil ni Primo. (ITUTULOY)

 

Show comments