^

Para Malibang

Gusto maging kabit

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Matet, 18 yrs old. May bagong lipat sa katabi naming apartment. Papasok ako sa school ng makasabay ko siyang lumabas ng pintuan. Nginitian niya ako at nag-hello. Para akong nasa cloud nine. Ang guwapo po niya mukhang artista. Mula noon hindi ko na siya makalimutan at lagi ko siyang iniisip. Lagi kong inaabangan ang paglabas niya ng bahay.

Until one day habang naghihintay ako sa kanto, lumabas siya pero may kasamang babaeng preggy. Magka-holding hands sila at sweet. Nalaman ko na asawa pala niya yun. Na-frustrate po ako pero kahit ganoon, lagi ko pa rin siyang inaabangan at umaasang papansinin niya ako at liligawan. Maganda naman ako. Mas maganda pa nga po ako sa misis niya. Ano po ang gagawin ko para pansinin niya?

Dear Matet,

Itigil mo na ang kahibangan mo. May asawa na siya at buntis pa ang kanyang misis. Huwag mong sirain ang magandang pagsasama nila. Admiration lang yan at puwede mong maibaling sa iba na binata. Bata ka pa at naiintindihan ko ang damdamin mo. Pero hindi sa lahat ng bagay ay dapat sundin ang nararamdaman ng puso. Kung ikaw ang may asawa, papayag ka bang agawin siya ng ibang babae? I’m sure hindi. Kaya huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANO

BATA

DEAR MATET

DEAR VANEZZA

HUWAG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with