God of Wealth

Ang god of wealth na kinikilala at binigyan ng paggalang ng mga Taoist at Buddhist ay si Tua Peh Kong. Ang paggalang na ibinibigay sa kanya ay kagaya ng paggalang ng mga Romano Katoliko sa kanilang mga santo.

Kilala si Tua Peh Kong sa Singapore at ilang karatig bansa sa Southeast Asia. Makikita siyang nakadispley sa temple ng mga Buddhist at Taoist, sa mga tahanan at business establishments. Sa kanya nagdadasal ang mga deboto para pagkalooban ng gambling luck, magkaroon ng authority o mataas na katungkulan, umunlad ang pamumuhay at humaba ang buhay. Maraming deboto ang nagdadasal muna sa kanya bago tumaya sa lottery. Makikita sa illustration si Tua Peh Kong.

Show comments