Coins mula sa Kabaong

Panaginip: May nalalaglag na mga coins mula sa kabaong na kinalalagyan ng pumanaw kong tiyo. In real life, matagal na siyang pumanaw, ngunit sa panaginip ay kamamatay lang niya at pinaglalamayan namin. Isa-isa kong dinadampot ang coins na nalalaglag sa sahig. Inipon ko iyon at ibinigay sa mga naulila kong mga pinsan.---Josa

Interpretation: Nangangailangan ka ng pera at iniisip mo kung saan ka kukuha ng kailangan mong halaga. Maaaring magwakas na ang iyong financial problem.

Show comments