Proteksiyon sa pagbibiyahe

Narito ang mga simpleng ‘Fengshui Spell’ na dapat gawin bago  magbiyahe upang makaiwas sa aksidente o anumang bagay na makakaabala sa inyong paglalakbay:

1. Kung ang pupuntahan ay nasa North

Kumuha ng tatlong dakot na lupa at ihagis ito sa north direction.

2. Kung ang pupuntahan ay nasa South

Tatlong beses maghagis ng tubig sa south direction. Isang timba bawat hagis.

3. Kung ang pupuntahan ay nasa East

Kailangan mo ng kutsilyong nakakurba or karit. Ihampas sa hangin ng tatlong beses ang karit sa east direction.

4. Kung ang pupuntahan ay nasa West

Magsindi ng 3 incense sticks at itirik mo ito sa west direction.

Show comments