‘Right Girl’

Dear Vanezza,

Ako po si Japet. Ang problema ko po ay hindi ko pa rin natatagpuan ang right girl na para sa akin. Hindi ako swerte sa nagiging girlfriend ko. Tapos hanggang ngayon hindi na ako nagkakaroon ng karelasyon. Guwapo naman ako at mapagmahal. Katunayan po, may nagugustuhan akong babae kaya lang baka mabigo na naman ako. Ano po kaya ang puwede kong gawin? - Japet

Dear Japet,

Kung bawat naka­karelasyon mo ay hindi nagtatagal, huwag mong isiping wala kang suwerte. Marahil ay hindi lang talaga sila para sa’yo. Mabuting tingnan mo rin ang iyong sarili. Hindi lang kasi sapat ang kaguwapuhan. Minsan may mga depekto sa ating ugali o karakter na hindi natin nakikita. Humingi ka ng obserbasyon sa mga kaibigan mo na close sa iyo at nakakaalam ng iyong pagkatao. Kung may dapat baguhin, sikapin mong mabago ito. Maaaring hindi madaling gawin pero kung min­san dapat tayong mag­bago kung ang ibig na­tin ay magkaroon ng pangmatagalang relasyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments