Feng shui sa Bad Neighbors (2)

Pinoproblema n’yo ba ang inyong mga neighbors na masasama ang ugali? Don’t worry may paraan na ang fengshui para masolusyunan ang problema ninyo sa kanila na hindi kailangang makipag-away pa sa kanila. Narito ang simpleng paraan:

1 – Kung katapat mo ang kapitbahay na nagdudulot sa iyo ng problema: Maglagay ka sa labas ng pintuan (huwag sa pintuan, sa katapat na wall, bandang itaas) ng convex mirror (buntis na mirror) upang bumalik sa kanila ang bad energy na pinaggagawa nila. Ang resulta, titigil sila sa pamemerwisyo o magkakaroon ng dahilan para lumipat sila ng lugar.

2 – Mayroon bumili ng laruan kanyon, inilagay sa pasamano ng kanilang bintana at itinapat ito sa katapat bahay nila na madalas mag-karaoke sa gabi.

3 – Kung problemang neighbour ay nasa iyong kanan (kapag nakaharap sa labas ng gate) magsabit ng metal 6-rod hollow rod windchime right side ng bahay.  Tatanggalin nito ang negative energy. Kung nasa kaliwa ninyo ang bad neighbour, magdispley ng dragon sa kaliwang bahagi ng bahay. Magtanim ng kahit anong halaman o kaya periwinkle or sitsirika sa kaliwang bahagi ng entrance. (Itutuloy)

Show comments