Polyps (2)

Bagama’t may mga taong nagkakaroon ng polyps na karaniwang walang naging problema sa ilong. Karaniwang nagti-trigger ito sa pamamagitan ng:

•Hindi gumaling-galing na impeksyon sa ilong

•asthma

•allergic rhinitis

•cystic fibrosis

•Churg-Strauss syndrome

•NSAID sensitivity (allergy sa aspirin, ibuprofen, naproxen, etc.)

Maaaring ito ay namana rin ng mga taong may polyps. Karaniwang ito ay reaksyon ng genes kaya namamaga ang mucosa.

Anu-ano ang sintomas ng nasal polyps?

Ang nasal polyps ay malambot, walang nararamdamang sakit o kirot kapag lumalaki sa loob ng butas ng ilong. Lumalabas ito sa itaas na bahagi ng sinuses na daluyan ng ilong kung saan ang mata, ilong at cheekbones ay nagtatagpo. Hindi mo rin malalaman na may polyps dahil sa kawalan ng pandama. Maaaring lumaki ang polyps na sapat upang mabarahan ang butas sa ilong na magreresulta sa hindi gumaling-galing na pagbabara ng ilong.

Show comments