Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang pamosong Filipino painter na si Juan Luna ay nasangkot sa kasong pagpatay? Ang biktima ay ang kanyang misis na si Maria de la Paz Pardo de Tavera at ang kanyang biyenang babae. Ito ay bunsod daw ng matinding selos ni Juan Luna  kaya nabaril niya ang kanyang asawa sa kanilang bahay sa Paris. Pero, siya ay pinawalangsala ng korte noong Pebrero 1893 dahil ang nasabing insidente ay maituturing na “crime of passion”.

Gayunman, si Juan Luna ay nagbigay ng karangalan sa bansa dahil sa kanyang mga iginuhit. Nanalo rin siya ng second prize sa National Exposition of Fine Arts sa Madrid noong 1881 ng iguhit niya ang “La Muerte de Cleopatra”.

Show comments