Wedding Feng Shui

SINUSUWERTE KA! Fortuna

Last Part

Ang bilog na mesa sa reception ay mabuting magpakalma sa mga taong maiingay o mahilig makipagtalo. Ang square na mesa ay lalong makakapagpainit ng ulo ng tao. Kaya kung maaari ay bilog na mesa ang piliin.

Upang magkaroon ng masayang reception, maglagay ng rose quartz (nakalagay sa box) sa bandang kanan ng reception hall. Nagdudulot ng love energy ang rose quartz kaya maiiwasan ang argumento dulot ng di pagkakaunawaan ng mga guests. Makikinabang din ang mga bagong kasal sa love and beauty energy na ibibigay ng rose quartz.

Gumamit ng scented candle o essential oil diffuser para bumango ang buong reception hall. Ang mainam na scent ay rosemary (pampasigla);  lemon, cinnamon, vanilla (nakaka-relax) at lavender (calming effect).

Para manatili ang atensiyon sa bride, gumamit ng accessories na kumikinang kagaya ng kuwintas, tiara o makintab na beads sa wedding gown. Ang anumang accessories na kumikinang kapag natamaan ng liwanag ay nagbibigay ng positive energy sa nagsusuot.

Show comments