Ang Numero ng mga Anghel (7)

Kung may hinihiling ka sa iyong guardian angel at aksidenteng may nakita ka na mga numero, ito ang ibig sabihin ng mga numerong nakita mo. Kasama rito ang numerong  nakikita sa digital clock:

363 or 336 – Tinutulungan ka ng ascended masters (Jesus, Mary, Quan Yin) na magkaroon materyal na bagay na magiging instrumento para makatulong sa ibang tao. Haimbawa: Magkakaroon ka ng perang pang-tuition para maka-enrol sa kursong kapag nakatapos ka ay magiging instrumento para makatulong sa ibang tao kagaya ng guro, doktor, etc. O, kaya ay may magdodonasyon sa iyo ng lote para pagtayuan ng pabrika kung saan miyembro ng kooperatiba ang kukuhaning trabahador.

377 or 373 – Natutuwa ang ascended masters na ang tinatahak mo ay daan patungo sa kabutihan ng lahat.

338 or 383 – Senyales na ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa at nakikiisa ang ascended masters  sa iyo.

393 or 339 – Kalimutan mo na ang hindi na­ging magandang pangyayari na iyong naranasan. Maging positibo sa gitna ng mga kabiguan.

300 or 330 – Huminto at makinig sa iyong konsensiya. Iyon ang boses ng Diyos. Binibigyan ka ng gabay kung ano ang dapat mong gawin.

Show comments