Horoscope Base sa Time of Birth (4)

Kung ang Birth Month mo ay June, July, August at ang time of birth mo ay:

9 AM to 11 AM—Hindi magigipit sa pera at may suwerte sa pagnenegosyo. Paganda nang paganda ang suwerte habang siya ay tumatanda.

11 AM to 1 PM—Laging may sapat na pagkain sa mesa at pera sa bulsa. Mararanasan ang pagyaman sa edad na 45 pataas.

1 PM to 3 PM—Lagi siyang second-in-command or katulong na tagapamahala ng pinuno. May tsansang maging kanang kamay ng isang napakayamang tao kaya yayaman din siya.

3 PM to 5 PM—Magiging madali ang buhay para sa iyo. Mabilis mong makukuha ang mga bagay na gusto mo. Lagpas sa isa ang magiging asawa. One hundred percent na magkakatotoo ito sa mga lalaki.

5 PM to 7 PM—Magiging mayaman habang buhay, magkakaroon ng maraming apo at magi­ging mahaba ang buhay kung pananatilihin ang pagiging marangal na tao.

7 PM to 9 PM—Sa career, laging hindi mapapansin ang talent at kasipagan ng mga superior. Bunga nito maaga siyang magreretiro sa trabaho dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa kanya .

9 PM to 11 PM—Masuwerte sa pagkakaroon ng mga mapagmahal na magulang. Laging may makakasalamuhang marangal at sikat na mga tao.  (Itutuloy)

 

Show comments