Anong Klase Kang Magulang? (2)

Number 4 Parent (Birth date 4,13, 22, 31)

Ang mga anak na may birthdate na 4, 1 at 5 ang bihira mong masermunan. Sakit ng ulo ang mga anak na 6 or 8. dahil mana sa iyo na matigas ang ulo. Naiinis ka sa kanya dahil nakikita mo ang iyong kahinaan sa iyong anak.

Number 5 Parent ( Birth date 5, 14, 23)

Kasundong-kasundo mo ang anak na may birth date na kagaya ng sa iyo: 5, 14 at 23. Kadalasan ay sila ang kamukha mo. Ang iyong ugali at kilos ay nakuha rin ng iyong anak. Ang anak na may birth date na 6 at 9 ay pangalawa sa iyong ka-vibes. Pero hindi kayo madalas magkaintindihan ng mga anak na may birth date na 3 at 8.

Number 6 parent (15, 24)

Malambing at mahusay mag-alaga ng anak ang number 6 parent. Mabilis  niyang naia-adjust ang sarili sa ugali ng mga anak kahit ano pa ang birth date nito. Unawang-unawa niya ang ugali ng anak na may birth date na 6, 2, or 3. Sa kabilang banda, nahihirapan siyang “basahin” ang ugali ng anak na may birth date na 4 at 1.

Itutuloy

Show comments