‘Penis enlargement’

Maraming lalaki ang naghahangad na mas lumaki ang kanilang ‘alaga.’ Noong nakaraang linggo ay tinalakay natin ang natural na penis enlargement sa pamamagitan ng iba’t ibang penis exercise. Pero may iba pang paraan para lumaki ang inyong kargada, basta may pera. Maraming techniques na inimbento para lumaki ang penis.

Operasyon -  Kung may pera ka, isang option ang pagpapaopera. May kamahalan ang Penile surgery  pero hindi nangangahulugang makukuha mo ang iyong hinahangad na resulta.

Pros – halos siguradong madadagdagan ng isang pulgada ang penis.

Cons – Sa mahal ng penile surgery, marami ang hindi satisfied sa resulta.

Tatagal ng ilang linggo hanggang ilang buwan ang  recovery. Ang ilang paraan ng pagpapalaki ng penis ay nangangailangan ng tissue or fat implants kaya kailangan ng mas matagal na recovery. Matagal gumaling ang tissue at muscle injuries.  Lahat ng invasive medical procedure tulad ng surgery ay may seryosong panganib sa kalusugan.  Sa operasyon ay maaari ding magkaroon ng irreparable damage sa nerves na makakabawas ng sensations sa pagse-sex. Ang Penile implants ay maaaring magdulot ng allergic reactions. May mga nagreklamo din ng pagbaba ng sexual libido at sexual performance pagkatapos maoperahan.

 

Show comments