Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang laman ng kalabasa ay hindi importante noong unang panahon dahil mas ginagamit ang shell o balat nito bilang lalagyan, kutsara at sandok. Nabigyang pansin lang ang laman ng kalabasa pagsapit ng pre-Columbian Indian  kapwa sa South at North America. Ang salitang “squash” ay mula sa salita ng Narragansett Native American na “askutasquash” na ang ibig sabihin ay kainin ng hilaw.  Mas agresibo ang “crocodile” kumpara sa “alligator”?  Ang alligator ay hindi kagaya ng crocodile na kumakain agad ng tao, ngunit mabilis din itong umatake kapag nararamdaman na siya ay magigipit. Mas malaki ang crocodile kaysa sa alligator. Ang pangalang “alligator” ay mula sa salitang Spanish na “el lagarto” na ang ibig sabihin ay butiki o lizard. Ang pinakamalaking alligator ay  nasa Everglades National Park sa Florida kung saan ito ay may sukat na 17 feet 5 inches. Nabubuhay ito hanggang 50 taon.

 

Show comments