7 Love Feng Shui Tips

Problemado ka sa iyong love life? Subukan mo itong mga sumusunod na tips:

1—Southwest corner—ito ang lugar sa bahay na dapat pasiglahin upang maging maganda ang relasyon ng pamilya at maging masuwerte sa pag-ibig.

2—Sa southwest idispley ang masayang fa­mily picture. Dito rin magdispley ng dragon na may ulo ng pagong para maging maganda ang takbo ng love life.

3—Chandelier na crystal ay masuwerteng isabit sa southwest para maging masuwerte sa pag-ibig.

4—Soft lighting at pastel color na lampshade ang gamitin sa southwest corner ng bedroom upang laging nasa “good mood” ang mag-asawa.

5—Ang citrine, amethyst at rose quartz ay nagdudulot ng suwerte sa pag-ibig. Ilagay ang mga ito sa crystal bowl at ilagay sa southwest corner.

6—Gumamit ng pink bed sheets pero iwasan ang pula. Masyadong malakas ang energy  ng pula kumpara sa pink. Kung gagamitin ay pula, sa halip na maglambingan ay sapakan ang mangyari.

7—Nakakatulong din ang indoor water fountain na nasa southwest corner ng salas lalo kung naghahanap ka pa lang ng makakarelasyon. 

 

Show comments