Aswang family (49)

DALA ng mga alagad ng batas ang pang-ibabang katawan ng manananggal, planong ikulong sa presinto.

Tumatakbo nang mabilis sa highway ang sasakyan nila, sa dilim ng gabi.               “Mapapatunayan natin kung babalikan ng manananggal itong kalahati niya. Sabi’y bago mag-umaga sila bumabalik sa katawan nila…”

“Pero, hepe, kailangang maging handa tayo. Mababagsik daw ang mga aswang na ‘yan.”

“Tinatablan sila ng baril, sarhento.”

“E, hepe, di ba sa ospital iniwan ng manananggal ang kalahati?  Baka po hindi matunton sa presinto…”

Natigilan ang hepe. “Paano nga ba ‘yan? Mali yata tayo?”

Naalarma ang nagda-drive sa sasakyan. “Hepe, m-may sumusunod yata sa’ting… kabayo?”

“H-ha?  Meron nga! Nakawala siguro sa kutsero!”

“Baka naman, nakawala sa kuwadra ng race-horse?

Tagadag-tagadag-tagadagg.

 Kaybilis ng humahabol sa mga alagad ng batas—pero hindi kabayong pangaretela; hindi rin nakawala sa kuwadra.

“IBALIK N’YO ANG KALAHATI! SA MISIS KO ‘YAN!” sigaw nito sa mga alagad ng batas.

Si Grecong tikbalang. “HUMINTO KAYOOO!”

Nayanig ang mga awtoridad. “Hepe, tikbalang! S-sa asawa raw niya itong dala natin…”

“Paspasan mo, Carpio! Wala munang magpapaputok, men!” utos ng hepe. “Faster!” Bruuummm.

Tagadag-tagadag-tagadagg.

“Hepe, mabilis siya! Aabutan tayo!”

Naghanda nang magpaputok ang mga alagad ng batas.

“UTANG NA LOOB! IBALIK N’YO SA’KIN ANG KALAHATI NG MISIS KO!’

Mangha ang hepe. “Pambihira…tikbalang na marunong makiusap…”

Naunahan ng takot ang mga tauhan, nagpa­putok na. BANG. BANG. PRAK-KATAK-KATAK.

Nayanig nang husto ang tikbalang. “Aaahh!” (ITUTULOY)

 

                 

                

Show comments