Napakasarap ng pakiramdam kapag nakikita mong ikaw ay ginagaya ng iba o ng iyong kapwa. Pero, paano kung ikaw ang nanggagaya? Hindi naman masama ang gayahin mo ang iba lalo na kung ito ay magdudulot sa’yo ng mas mabilis na pag-unlad sa iyong pagkatao. Ngunit, bago ka tuluyang manggaya ng personalidad, opinion at uri ng pamumuhay ng iba, kailangan mong tiyakin sa iyong sarili ang mga sumusunod:
Alamin ang ibig sabihin ng panggagaya at pag-iidolo – Magkaiba ang panggagaya ng iba para sa iyong pag-unlad at ang panggagaya dahil nais mong maging “copy cut†o katulad na katulad ng taong iyong hinahangaan. Saan mo ba siya nais gayahin? Sa kanyang pananamit, pag-aayos, pagpili ng brand ng gamit? O sa kanyang pananaw sa buhay? Para umunlad ka sa iyong negosyo, trabaho at pag-aaral. Hindi naman masamang gayahin ang porma o pag-aayos ng ibang tao o artistang iyong hinahangaan, ngunit tiyakin mong hindi mo siya tinatratong dios ng iyong buhay, bagkus ay isa lamang inspirasyon.
Nanggagaya para mas maging pino ang karakter – Hindi mo kailangang gayahin ng 100% ang isang tao. Tandaan na kailangan mo lang pinuhin ang ilang bagay sa iyong buhay na tingin mo ay hindi pa maayos. Ngunit hindi mo kailangan na burahin ang iyong sariling pagkatao. Isipin mo na lang na bukod sa inspirasyon lang ang taong ito ay ituring mo lang din siyang “star†sa iyong paningin, na anuman ang kanyang naabot ay magiging iyo rin dahil sa mga ginawa niyang hakbang para makamtan anuman ang mayroon siya ngayon.