Paputok vs. Kalusugan (2)
(Pang-masa) - December 19, 2013 - 12:00am

Iron –Ginagamit pangpakislap ng paputok. Maaaring makaapekto sa  paghinga kapag ito ay nalanghap. Ito ay maaaring magdulot ng lagnat, panginginig, paninikip ng dibdib at ubo.

Lithium – Nagdudulot ng pulang kulay sa papu­tok. Kapag nasobrahan sa exposure sa kemikal na ito ay maaaring maapektuhan ang control sa pag-ihi na maaring pagdalas ng pag-ihi, hindi normal na pagkauhaw, pagkapagal, pagkahilo, panginginig ng mga kamay, irregular na pulso at pagtaas ng timbang.

Magnesium –Ang pakasunog ng Magnesium ay nagdudulot ng maliwanag na puting ilaw kaya ito ay ginagamit upang lumiwanag ng maigi ang kulay ng paputok. Ito’y  maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan katulad ng iritasyon sa lalamunan, panginginig at lagnat. Kapag sobra-sobra naman ang exposure ng isang tao sa kemikal na ito ay maaaring madulot ng mas malubhang pinsala katulad ng pinsala sa respiratory system; mucusmembrane, bronchitis, pneumonia at cancer sa nasal cavity.

Phosphorus – Ito ay nagsisilbing panggatong sa mga paputok.

Potassium – Ang potassium ginagamit pang paningas ng ibang kemikal sa paputok. Potassium nitrate, potassium chlorate, and potassium perchlorate ay mga napakaimportanteng sangkap na pampaningas sa paputok. Ang pagkakalanghap ng kemikal na ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa paghinga, iritasyon sa mata, ilong at balat, na maaaring magdulot ng ubo, pagbahing, at sore throut. Apektado rin nito ang ating kidney at nervous system. Ang mataas na level nito ay humaharang sa pagdadala ng oxygen ng dugo na maaring mag resulta ng hirap na paghinga, paglason  at kamatayan.

APEKTADO GINAGAMIT KAPAG MAAARING NAGDUDULOT PAPUTOK POTASSIUM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with